Pilot face-to-face classes sa Enero, suportado ng NEDA

Suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapahintulot ng pamahalaan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga lugar na mayroong low o zero risk ng COVID-19.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, ang pilot implementation ng physical classes ay makatutulong sa pagpapaluwag ng restrictions para sa muling pagbangon ng ekonomiya.

Bukod dito, itinutulak din nila sa mga Local Government Units na payagang lumabas ang mas maraming tao.


Sinabi rin ni Chua na “very young” ang demographic profile ng bansa na mayroong median age na 25, kung saan 53 million ng kabuoang populasyon ay 25 years old pababa.

Ang patuloy na pagpapatupad ng online at distance learning modalities ay maaaring makaapekto sa productivity ng mga Pilipino, lalo na sa mga magulang na kailangang gabayan ang kanilang mga anak tuwing may klase sa halip na pumasok sa trabaho.

Kaugnay nito, iginiit ni Chua na malabo nang ibalik pa ng pamahalaan sa mas mataas na quarantine restrictions ang bansa.

Facebook Comments