Pilot implementation ng motorcycle hailing services, pinalawig

Pinalawig ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang anim na buwang pilot run ng motorcycle ride-hailing operations.

Nabatid na matatapos na ang pilot run ng motorcycle hailing service na Angkas sa December 26.

Ang extended pilot implementation ay magsisimula sa December 23, 2019 hanggang sa March 23, 2020.


Bukod dito, ayon sa LTFRB, pinayagan din para magkasa ng pilot implementation ang dalawang bagong motorcycle taxi services na ‘Joyride’ at ‘Move It.’

Tinatayang aabot sa 39,000 registered bikers ang inaasahang papasada o 10,000 bikers kada Transport Network Company (TNC) sa Metro Manila habang 3,000 bikers para sa Metro Cebu.

Samantala, anim pa na motorcycle taxi companies ang nagsumite at nagprisinta ng kanilang proposal sa Technical Working Group (TWG), kung saan apat na kumpanya ang ikinunsidera, na-evaluate, at nasuri ang company profile, operational plans, facilities at equipment bilang basehan ng kanilang compliance.

Facebook Comments