Hinihintay na lamang ng Department of Health (DOH) ang resulta ng isinagawang pilot test sa Baguio City para sa COVID-19 antigen tests.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naabot na ang sample size para makumpleto ang pag-aaral sa antigen test.
Kailangang ikumpara ang antigen test results at ang RT-PCR results para malaman kung maaabot ng antigen testing ang accuracy requirements ng bansa.
Kapag nakumpleto ang analysis ng pilot test, agad itong isasapubliko.
Ang antigen testing ay kayang maka-detect ng COVID-19 virus, pero lumalabas sa mga ulat na hindi ito accurate gaya ng RT-PCR testing.
Facebook Comments