Pilot run ng face-to-face classes sa ilang paaralan sa bansa, aarangkada na simula ngayong araw

Handang-handa na ang ilang paaralan sa bansa kasabay ng pag-arangkada ngayong araw ng pilot run ng face-to-face classes.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, nasa 100 pampublikong paaralan ang lalahok sa pilot run ngayong araw at 20 pribadong paaralan sa November 22.

Nilinaw naman ng DepEd na sasailalim lamang sa COVID-19 test ang mga mag-aaral kapag may sintomas ng sakit o may nakasalamuhang positibo at suspected.


Kailangan namang bakunado ang mga school personnel na haharap sa mga mag-aaral habang hininikayat ang mga mag-aaral na edad 12 hanggang 17 na magpabakuna na rin.

Dalawang buwan, tatagal ang pilot test atsaka pag-aaralan kung palalawigin ito sa ibang lugar at paaralan sa bansa.

Sa ngayon, marami nang lugar na umaapelang mapasama sa face-to-face classes kasama na rito ang National Capital Region (NCR).s

Facebook Comments