Pilot run ng Resbakuna sa mga botika, hindi tatanggap ng walk in

By appointment o kailangan ng pre-registration bago magtungo sa 7 botika at klinika na kasama sa pilot implementation ng “Resbakuna sa mga botika.”

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ito ay para lang din sa mga magpapa-booster shot na fully vaccinated individuals.

Kabilang dito ang Mercury Drugstore sa Malate, Manila, Pres. Quirino branch, Watsons SM Super Center Pasig Branch, The Generics Pharmacy Parañaque branch, Generika Signal 1 branch sa Taguig, SouthStar Drug Marikina branch, Qualimed sa McKinley at Healthway Manila clinic.


Ani Nograles, sa Local Government Unit (LGU) pa rin magpapalista pero ang mga botika ang siyang mangangasiwa sa pagtuturok ng booster shot.

Paliwanag pa nito, isang linggo muna itong pilot run sa mga botika dito sa Metro Manila pero agad din namang ia-adopt sa mga botika sa iba’t ibang panig ng bansa kapag ito ay naging matagumpay.

Samantala, 50-100 doses per day sa kada pharmacy ang nakatakdang vaccine allocations o 3,500 doses kada linggo.

Sa Huwebes at Biyernes, January 21- 22 ang pilot run ng “Resbakuna sa mga botika.”

Facebook Comments