PILOT SALTERN FARM, ITATATAG SA PANGASINAN

Nakatakdang itatag sa Pangasinan ang isang Pilot Saltern Farm sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Mariano Marcos State University (MMSU).

Layunin ng proyekto na paigtingin ang pananaliksik at paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa paggawa ng asin sa ilalim ng Accelerating Salt Innovation (ASIN) Center Program.

Bahagi ito ng programa upang mapaunlad ang lokal na produksyon ng asin at mabawasan ang pag-angkat ng bansa sa imported na supply na sa ngayon ay umaabot sa 93 na porsyento ng kabuuang pangangailangan nito.

Inaasahang magsisilbing modelo ang pasilidad para sa mga susunod pang proyektong pang-asinan sa rehiyon.

Facebook Comments