Sa November 15 na sisimulan ng Department of Education (DepEd) ang pilot implementation ng face-to-face classes.
Sinabi ito ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa pagdinig ngayon ng Senate Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian.
Ayon kay Malaluan, matapos ang inisyal na pagpapatupad ng pilot test ng face-to-face classes hanggang December 22 ay magsasagawa ng assessment ang DepEd.
Sabi ni Malaluan, matatapos ang pilot study para sa face-to-face classes sa January 31, 2022.
Kasunod nito ay magsasagawa ng evaluation ang DepEd, kung saan tutukuyin din ang dagdag na mga paaralan na maaring maisama sa face-to-face classes.
Binanggit ni Malaluan na mula rito ay muli silang maghahain ng panibagong rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte pagsapit ng February 2022.