Pilot testing ng face-to-face classes sa 500 eskwelahan sa bansa maliban sa NCR, sinisilip ng DepEd

Ipinapanukala ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng pilot testing ng limited face-to-face classes sa halos 500 paaralan sa buong bansa – maliban sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Education Undersecretary for Administration Alain del Pascua, kailangang magkaroon ng face-to-face interaction dahil ito ang pinakaepektibong paraan ng paghahatid ng edukasyon.

Pero iginiit ni Pascua na nananatiling tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasagawa ng physical classes hanggang sa mailunsad ng lubos ang vaccination program.


Gayumpaman, isinusulong ng DepEd ang pagbabalik ng face-to-face classes sa ilang rehiyon sa bansa.

Malabo pang gawin nag in-person classes sa Metro Manila dahil sa nananatiling mataas ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments