Pilot testing ng mall elections para sa BSKE 2023, tiniyak ng COMELEC

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na magkakaroon na ng pilot testing ang pagboto sa loob ng mga mall.

Ito’y para sa gagawing 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, kung nagawa nila na magkaroon ng mall registration ay sisikapin din nilang isagawa ang mall voting.


Aniya, tinitingnan na lamang nila ang mismong araw ng botohan at ang mga barangay na posibleng magbenepisyo sa mall voting.

Sinabi pa ni Laudiangco, hindi kasi dapat malayo sa mga barangay ang mga voting site.

Kaya kung magkakaroon o matutuloy ang mall voting ay mapapakinabangan ito ng mga residente ng barangay na malapit sa mall.

Facebook Comments