Sisimulan na ng pamahalaan ang pilot testing ng National Identification System sa bansa.
Sa isinagawang Cabinet Meeting kagabi sa Malacañan, sinabi nina Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at National Statistician Dennis Mapa na isasagawa ang pilot testing para sa implementation ng National ID System sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.
Sa ilalim ng Republic Act 11055 o Ang Philippine Identification System, isang ID na lamang ang dapat ipakita at hindi na kailangan ng napakara¬ming ID kapag may transaksiyon sa Gobyerno upang mabilis.
Layon din nitong maiwasan ang red tape sa pamahalaan.
Lamang ng bagong Phil-ID ang Philsys Number, buong pangalan ng cardholder, larawan nito, kasarian, date of birth, blood type at address.
Mayroon din itong Biometric Information tulad ng fingerprints at iris scan ng may-ari.
Aabot sa 107 Milyong Pinoy ang target ng pamahalaan para sa National ID, bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa taong 2022.