Magsisimula na ngayong araw ang pilot testing para sa implementasyon ng Philippine Identification System o PHLSYS.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Asec. Lourdines Dela Cruz, prayoridad nila na maiparehistro ang mga benepisyaryo ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), mga empleyado ng PSA, at mga piling kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno.
Sa kalagitnaan ng taong 2020, inaasahang magkakaroon ng kumpletong roll-out ng programa sa lahat ng mga Pilipino.
Dumating na rin ang mga registration kits para sa pagkuha ng biometrics at demographics information ng isang tao.
Matatandaang nitong Agosto ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11055 o batas sa pagkakaroon ng National ID System.
Facebook Comments