Pilot testing sa e-Lotto, pinatitigil ng isang senador

Pinatitigil ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pilot-testing ng ‘e-lotto’.

Giit ni Pimentel, kailangang masuri munang mabuti ang mga posibleng panganib sa features ng e-lotto.

Kailangan aniyang maunawaan muna ang mga possible risks sa computer system lalo’t hindi naman natin alam kung paano ito gumagana kaya kung maaari pati ang pilot testing ng e-lotto ay itigil na.


Nilinaw ni Pimentel na hindi pa naman sinasabi sa pagdinig ng Senado na nadiskubreng dinadaya o namamanipula ang resulta ng lotto pero ‘theoretically’ ay posible ito kaya pati ang computer system na gamit ng PCSO ay pinapasuri sa mga eksperto.

Bukod dito, may nakabinbin din na panukala sa Senado na inihain ni Senator Raffy Tulfo na nagbabawal sa online betting sa lotto na bahagi rin ng dinidinig ngayon sa Senado.

Facebook Comments