PILOTO AT ESTUDYANTE, NASAWI SA PAGBAGSAK NG EROPLANO SA LINGAYEN, PANGASINAN

Binawian ng buhay ang dalawang kataong sakay ng isang eroplano matapos itong bumagsak sa isang bahagi sa Sitio Aliguas, Brgy. Libsong East, Lingayen, Pangasinan, umaga ng March 29.

Kinumpirma ng CAAP na ang bumagsak na eroplano ay isang Cessna 152 na may registry number na RPC-8595 ay pinangangasiwaan ng Pilipinas Space and Aviation Academy Inc.

Ibinahagi ng nakasaksi ang pangyayari na siya ring kasama sa agarang pagrescue sa dalawang sakay ng eroplano.

Nakilala ang mga biktima na sina Captain Nikko Manogan, 31 anyos at ang student pilot nito na si Bryan Allen Ocang, 25 anyos.

Agad na dinala sa pagamutan ang dalawa subalit idineklara nang dead-on-arrival.

Sa paunang imbestigasyon ng Lingayen Police Station, nasa ikasampung touchdown o panghuli nang ikot na umano ng mga ito saka pa nangyari ang insidente.

Nagpapatuloy na ang malalimang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng aksidente habang pansamantalang munang ipinagbawal ang pagpapalipad ng mga eroplano nag nasabing flying school habang isinasagawa ang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments