Nailigtas ang isang piloto sa Minnesota matapos sumabit sa kable ng kuryente at maiwang nakabaliktad sa ere ang minamaneho nitong eroplano.
Nasagip ng Scott County Sheriff’s Office ang 65-anyos na si Thomas Koskovich mula Shakopee, noong Sabado, Nob. 23, ayon sa ulat ng CTV News.
Ayon sa awtoridad, tumama ang “single-engine prop Piper Cub” ni Koskovich sa kable ng kuryente dahilan para mabuhol ang isang gulong nito.
Biyaheng timog ang eroplanong mag-isa lang na minamaneho ng piloto.
Rumesponde ang awtoridad kasama ang mga bumbero, kompanya ng kuryente at ambulansya.
Pinatay ang kuryente saka inilabas sa eroplano si Koskovich na ligtas at walang tinamong galos.
Ipinaubaya na sa Federal Aviation Administration ang imbestigasyon ang pagbagsak ng eroplano.