Pimentel sa PNP: Nasaan ang peace and order?

Manila, Philippines – Kinastigo ni Senate President Koko Pimentel ang pahayag ni Philippine National Police Chief General Bato Dela Rosa na ingrato ang mga kritiko ng war on drugs dahil nakikinabang din naman ang mga ito sa peace and order situation sa bansa.

Tanong ni Pimentel kay Gen. Bato, nasaan ang ipinagmamalaki nito na peace and order situation ngayong mayroon na namang mga biktima ng pagpatay kabilang si Oriental Mindoro Councilor Melchor Arago, at ang kanyang 15-taong gulang na anak matapos silang barilin ng riding in tandem.

Giit ni Pimentel, kaya lumalakas ang loob ng mga kriminal ay dahil bigo ang PNP na sila ay hulihin.


Binigyang diin pa ni Pimentel na hindi na katanggap tanggap ang napakalaking bilang ng mga hindi nareresolbang kaso ng pagpatay.

Bunsod nito ay hindi aniya masisisi ang taongbayan sa pagtatanong kung ano na ba ang silbi ng mga pulis ngayon.

Mungkahi ni Pimentel, sumailalim sa matinding training ang mga pulis at magpatupad ng matinding reporma sa kanilang hanay para maibigay nila ang serbisyong nararapat para sa mamamayang pilipino.

Facebook Comments