Manila, Philippines – Pina-contempt ni blue ribbon committee Chairman Senator Richard Gordon ang apat na personalidad na nang-indyan sa pagdinig ukol sa drug smuggling.
Kinabibilangan ito nina dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Ismael Fajardo, Police Supt. Eduardo Acierto, SMYD trading owner Marina Signapan at Emily Laquingan.
Ang SMYD ang consignee ng malaking bulto ng droga na hinihinalang laman ng mga inabandinang magnetic lifters sa isang bodega sa GMA, Cavite.
Habang si Laquingan naman ay asawa ng Chinese national na sangkot din umano sa nasabing drug shipment at kasamang nagtungo sa nabanggit na warehouse at kumuha sa drogang nakalaman sa nabanggit na magnetic lifters.
Ayon kay Gordon, ang contempt order ay bilang pagpwersa sa apat na dumalo sa susunod na pagdinig na kapag hindi nila ginawa ay hahantong sa pagpapa-aresto na sa kanila.