PINAAAKSYON | CHED, pinapakilos ng mga senador laban sa mga SUC na naniningil sa mga estudyante

Manila, Philippines – Pinapa-aksyon ng mga Senador ang Commission on Higher Education o CHED laban sa umano ay paniningil sa mga estudyante ng ilang State Universities at College o SUC.

Sa isinasagawang budget deliberations para proposed 2019 national budget ay inihayag ng mga Senador ang sumbong ukol sa ilang SUCs na naniningil sa mga estudyante tulad umano ng Bulacan State University.

Diin ni Senate President Tito Sotto na hindi ito dapat palagpasin ng CHED dahil malinaw sa republic act 10931 o ang free college education law na wala na dapat binabayaran ang mga estudyante.


Bilang tugon ay tiniyak naman ni ched chairman prospero de vera na kokomprntahin ang bulacan state university at iimbestigahan ang iba pag inirereklamong SUCs.

Facebook Comments