PINAAAKSYUNAN | Kamara, dapat na aksyunan ang reklamong impeachment laban sa mga SC Justices

Manila, Philippines – Iginiit ng Independent Minority na Magnificent 7 sa Kamara na aksyunan agad ng liderato ng Kamara ang impeacment complaint laban sa pitong Mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto case ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kina Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo Rep. Gary Alejano at Ifugao Rep. Teddy Baguilat, constitutional mandate ng Kamara na aksyunan at idaan sa tamang proseso ang impeachment compalint.

Wala anilang opsyon para dito at ito ay isang obligasyon ng Mababang Kapulungan na dapat gampanan.


Nakasaad sa rules ng Kamara na ang inihaing impeachment complaint ay kailangang ipasa ng Secretary General ng Kamara sa Office of the Speaker.

May sampung araw naman ang Speaker para ipasa ito sa rules committee at may tatlong araw naman ang rules committee na isama ito sa agenda ng plenaryo.

Samantala, ang plenaryo naman ang magrerefer nito sa House Committee on Justice at may 60 session days naman ang nasabing komite para dinggin at resolbahin ang impeachment complaint.

Umaasa ang mga kongresista na agad maaaksyunan ang reklamo sa pagbabalik ng sesyon sa susunod na Linggo.

Facebook Comments