PINAAALIS | Ilang benepisyaryo ng 4Ps, pinatatanggal na sa listahan ng isang kongresista

Manila, Philippines – Pinaaalis ng isang kongresista sa listahan ng DSWD ang ilang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon kay Bagong HeneraSyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, dapat na alisin na sa listahan ang mga benepisyaryo na hindi nagwiwithdraw sa Land Bank ng kanilang buwanang natatanggap na ayuda mula sa pamahalaan.

Patunay aniya dito ang nasa P5.385 Billion na hindi na-claim na over the counter cash grants mula 2013 hanggang 2017.


Mayroon pang unliquidated balance ng fund transfers sa Land Bank na aabot sa P10.746 Billion, P1.323 Billion account balances na hindi na-withdraw at sa 1.89 MILLION na bilang ng naiwang mga accounts mayroon pang nakita na P1.2 Billion na balanse.

Patunay lamang aniya na may sindikato, pandaraya at pagpapalobo sa mga nakakatanggap ng ayuda.

Bukod sa paglilinis ng listahan ng 4Ps, pinatutukoy din ni Herrera-Dy kung kwalipikado pa bang tumanggap ng ayuda ang mga benepisyaryo.

Facebook Comments