Pinaaamyendahan ni Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate sa PhilHealth ang COVID-19 test package rito

Tinukoy ng mambabatas na sa kabila ng price cap na itinakda ng Department of Health (DOH) sa presyo o rate ng COVID-19 testing partikular ang RT-PCR test ay may ilang PhilHealth accredited testing facilities ang naniningil ng mas mahal sa itinakdang presyo.

Ang halaga ng RT-PCR ay naglalaro sa P2,450 hanggang P2,800, ngunit may ilang accredited na pasilidad na mahal maningil.

Ang sobra sa itinakdang price cap ay magiging out of pocket expense o sasagutin na ng indibidwal.


Inamin naman ni Dr. Clementine Bautista, PhilHealth AVP for Health Finance Policy Sector, na pinapayagan ang mga accredited providers na magdagdag ng 20% mula sa itinakdang price cap.

Dahil dito, pinakukunsidera ni Zarate sa PhilHealth na repasuhin ang guidelines sa COVID-19 testing package at kung maaari ay sagutin na ng buo ang halaga.

Facebook Comments