PINAAAPRUBAHAN NA | Judges-at-large position, inaasahang makakatulong para mabawasan ang tambak na mga kaso sa korte

Manila, Philippines – Pinaaaprubahan na agad sa ikatlo at huling pagbasa sa pagbabalik sesyon ang panukala sa paglikha ng judges-at-large na posisyon.

Inihain ang panukala para matugunan at maiwasan na matambak sa mga dockets ng lower courts ang maraming kaso dahil sa kakulangan ng huwes.

Base sa House Bill 7309 lilikha ng 150 posisyon na judges-at-large upang maging mabilis ang mga pagdinig sa kaso.


Kapag naging batas, ang mga judges-at-large, ay ang mga hukom na walang permanenteng sala na maaring italaga ng Supreme Court upang maging acting o assisting judge sa kahit anong regional, city o municipal trial court sa bansa kung kinakailangan.

Sa 150 posisyon ang 100 ay gagawing RTC judges-at-large habang ang 50 ay MTC Judges-at-large.

Ang RTC judges-at-large ay tatanggap ng suweldo at iba pang benepisyo na tinatanggap din ng mga may ranggong RTC Judge habang ang Municipal Trial Judges-at-large ay tatanggap ng sweldo at benepisyo na kapareho ng sa may ranggong Municipal Trial Court in Cities Judge.

Facebook Comments