PINAAARESTO ULIT | SolGen Calida, hiniling sa Court of Appeals ang muling pagpapa-aresto kay dating Palawan Governor Joel Reyes

Manila, Philippines – Hiniling ni Solicitor General Jose Calida sa Court of Appeals (CA) ang muling pagpapaaresto kay dating Palawan Governor Joel Reyes.

May kaugnayan ito sa pagkakasangkot ni Reyes sa pagpatay kay broadcaster at environmentalist Gerry Ortega noong 2011.

Ang Motion for Reconsideration ni Calida ay kasunod ng pagkakalaya ni Reyes matapos ang desisyon ng Court of Appeals na nagsasabing walang basehan ang patuloy na paglilitis ng Puerto Princesa Regional Trial Court Branch 52 sa kasong murder ni Reyes.


Sinabi pa ni Calida na hindi rin isinaalang-alang ng Appellate Court ang desisyon ng Supreme Court noong 2016 na nagsasabing sakop ng Trial Court ang kaso at may determinasyon ng probable cause.

Facebook Comments