PINAAAYOS | Pagpapabuti sa sport facilities ng gobyerno, iginiit ni Senator Angara

Manila, Philippines – Para kay Senator Sonny Angara, panahon na para ayusin at pahusayin ang sports facilities na pinapatakbo ng pamahalaan.

Pahayag ito ni Angara, makaraang mamatay ang isang 12-anyos na wushu athlete nang mahulog sa kanyang tinutulugan sa loob ng dormitoryo ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Diin ni Angara, ang insidenteng ito ay patunay na nakakadismayang kondisyon ng government sports facilities na kailangan nang ayusin sa lalong madaling panahon.


Giit ni Angara, dapat lahat ng pasilidad para sa mga manlalaro ay mahigpit na sumusunod sa itinakdang safety standards.

Ipinunto pa ni Angara na ang kondisyon ng mga training centers ay sumasalamin sa estado ng palakasan ng isang bansa at suportang ibinibigay dito ng pamahalaan.

Facebook Comments