PINAALALAHANAN | Eleazar, nagpaalala sa kaniyang gma tauhan na huwag gagamit ng baril sa pagsalubong ng bagong taon

Manila, Philippines – Muling nagpaalala sa kanyang mga tauhan si NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar na huwag gagamit ng baril sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay Eleazar – hindi siya magdadalawang-isip na sibakin sa serbisyo at kasuhan ang mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing.

Maging ang mga immediate commander, station commander at chief of police, tatanggalin din sa trabaho kung mahulihan ng indiscriminate firing at hindi agad naimbestigahan lalo na kung nagresulta ito ng pagkamatay o malubhang pagkasugat ng residente.


Kaugnay nito, magdedeploy ang NCRPO ng sapat na tauhan sa mga lugar na may mataas na kaso ng indiscriminate firing para agad na marespondehan at mahuli ang suspek.

Nagbabala rin si Eleazar sa publiko na aarestuhin din nila ang sinumang mapapatunayang nagpaputok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon.

Facebook Comments