PINAALALAHANAN | Kuwait, pinayuhang itrato ng tama ang mga banyaga sa kanilang bansa

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Palasyo ng Malacanang ang Kuwaiti Government na sumunod sa international law sa pagtrato sa mga banyaga sa kanilang mga lugar.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap ng pagkondena ng Foreign Minister ng Kuwait sa mga pahayag ni Pangulong Duterte na naglalabas ng galit sa kanilang Gobyerno dahil sa pagmamaltrato sa mga OFW sa Kuwait kung saan marami na ang namatay at marami na rin ang nasaktan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dapat ay sumusunod ang Kuwait sa international law kung saan dapat pangalagaan ang kapakanan ng mga foreign nationals sa kanilang bansa.


Binigyang diin ni Roque na dapat ay patas ang pagtrato ng Kuwaiti Government sa mga Foreign National na nasa kanilang bansa at pumantay kung paano itinatrato ng kanilang gobyerno ang kanilang mamamayan.
Ipinaubaya narin naman ni Malacanang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng buong detalye sa magiging pulong mamaya ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Kuwait Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh.

Facebook Comments