Manila, Philippines – Mahigpit na pinaaalalahanan ng DOTr-LTFRB ang Angkas na galangin ang desisyon ng Korte Suprema at sundin ang nakasaad sa batas.
Kasunod ito ng pahayag ng Angkas na magpapatuloy ito sa operasyon sa kabila ng pagpigil ng Supreme Court sa mababang korte na humahadlang sa LTFRB na manghuli ng motorsiklo na nagaangkas ng pasahero.
Sa isang kalatas, sinabi ng LTFRB na dapat respetuhin ng Angkas ang pasya ng SC gaya ng naging pagkilala nito sa naunang desisyon noon ng Mandaluyong Regional Trial Court.
Pnaalalahanan ng LTFRB ang Angkas na sa ilalim ng Registration Classification Act, mahigpit na ipinagbabawal na gawing “for hire” ang pribadong motorsiklo
Kung susuriin ang naging resolusyon ng Korte Suprema ay nagpatibay pa sa batas na ito.
Idinagdag ng ahensya na kahit gaano kahigpit ang batas, kailangan itong ipatupad at sundin sa ngalan ng kaayusan.
Mangangailangan muna na gumawa ng hakbang ang kongreso para amyendahan ang kasalukuyang batas.
Sa ngayon, ang sinumang mago-operate ng pampasaherong motorsiklo sa negosyo ay maituturing na colorum o iligal.