Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang kampo ni dating senador Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo na mag-ingat sa pagsasagawa ng mga public statement na may kinalaman sa election protest ni Marcos.
Ang gag order na ito, ay bunsod ng mga isinagawang press conferences ng magkabilang kampo kung saan kapwa nila isinasapubliko ang mga issues ng electoral protest ni dating Senator Bongbong Marcos.
Sa dalawang pahinang resolusyon na pirmado ni Felipa Anama, tumatayong clerk ng tribunal, inatasan nito ang magkabilang kampo na igalang at obserbahan ang subjudice rule o ang posibilidad na ma-contempt ang mga ito dahil sa pagsasapubliko ng mga issue kaugnay sa isang ongoing legal proceeding.
Kaugnay nito, nakatakdang umpisahan ng Presidential Electoral Tribunal ang recount ng mga boto sa pagka-bise presidente sa susunod na buwan.