PINAALIS | Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa, idineklarang persona non grata

Manila, Philippines – Pinaalis na at idineklarang persona non grata ng Kuwaiti foreign ministry si Philippine Ambassador Renato Villa.

Ito ay kasunod ng kontrobersiyal na rescue operation sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Ayon sa ulat ng official news agency ng Kuwait, binigyan ng isang linggo si Villa para lisanin ang kanilang bansa.


Habang mayroon na lamang ring isang linggo ang kanilang envoy dito sa Pilipinas at kailangan na rin nilang bumalik sa Kuwait.

Alam na umano ni Villa ang naging desisyon ng Kuwait pero tumanggi muna siyang magbigay ng pahayag.

Facebook Comments