Pinaayos na COVID-19 ward, binuksan na ng Ospital ng Sampaloc

Pinangunahan ni Ospital ng Sampaloc Director Dr. Aileen Lacsamana ang pagbubukas ng inaayos na 10-room COVID-19 ward.

May kapasidad ito na tumugon sa pangangailangan ng isang pasyenteng sumasailalim sa intensive care.

Ang pasilidad ay mayroong mga makabagong kagamitan gaya ng mechanical beds, negative pressure ventilation, high flow oxygen machines, portable X-ray machines, ultrasound with 2D-echo capabilities at marami pang iba.


Bukod dito, itinayo rin sa Ospital ng Sampaloc ang isang critical resuscitation area na bahagi ng mas pinalawak na emergency room nito para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Samantala, ngayong araw ay nasa 1,707 na ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila kung saan 249 ang naitalang bagong nahawaan ng virus at 289 naman ang mga bagong gumaling.

Facebook Comments