PINABABAGO | Pangalan ng Oplan tokhang, pinapapalitan

Manila, Philippines – Umapela si AKO Bicol Rep. Alfredo Garbin sa PNP na baguhin ang pangalan ng Oplan Tokhang.

Ayon kay Garbin, binago na rin lang naman ang sistema at nai-relaunch ang tokhang ay sana iniba na rin ang pangalan sa war on drugs ng gobyerno.

Giit ng mambabatas, nakakabit sa tokhang ang karahasan, paglabag sa karapatang pantao at paglabag sa rule of law.


Ganito rin aniya ang persepsyon ng publiko kasama na ang mga nasa international community.

Pabiro namang sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na pwedeng ipalit sa Oplan Tokhang ang Oplan Timbog o Oplan Tumba.

Kailangan aniya talaga ng radical solution sa iligal na droga dahil lumaki at masyadong napabayaan ang problema sa drugs sa bansa.

Paglilinaw naman ni Garbin, suportado naman nila ang mas pinaigting pero malinis na pagsasagawa ng kampanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments