Manila, Philippines – Nakatakdang i-apela ng Grab Philippines sa Department of Transportation ang ipinataw na 10-milyong pisong multa sa kanila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Ayon kay Leo Emmanuel Gonzales, public affairs head ng Grab – gagawin nila ang lahat ng administrative at legal measure para mabaligtad ang desisyon ng LTFRB.
Matatandaang sa inilabas na desisyon kahapon ng LTFRB sa inihaing motion for reconsideration ng Grab, hindi na nila ito oobligahin na ibalik ang P2.00 per minute charge na siningil nila sa kanilang mga pasahero mula noong June 5, 2017 hanggang April 19, 2018.
Gayunman, kailangan pa rin nilang magbayad ng 10-milyong piso multa dahil paniningil ng hidden charges.
Samantala, positibo rin umano ang grab na pagbibigyan ng board ang petisyon nitong payagan silang maningil ng P2-per-minute travel charge para matulungang magkaroon ng mas maayos na kita ang kanilang mga driver.