PINABABALIK | Mandatory ROTC, nais muling buhayin ni PRRD

Manila, Philippines – Pinababalik na iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC bilang requirement sa mga estudyante.

Sa kaniyang talumpati sa 35th Founding Anniversary ng Army Reserve Command sa Tanza, Cavite ipinaliwanag ng Pangulo na isang constitutional duty ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman kung paano makatulong sa pagprotekta sa bansa.

Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa Kongreso na magpasa ng batas para gawing mandatory ang ROTC sa senior high school o grade 11 at 12.


Sabi pa sa Pangulo, may reorganization na magaganap sa hanay ng mga sundalo.

Pero ipapaubaya na niya sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapaliwanag nito.

Facebook Comments