PINABABANTAYAN | Kalagayan ng mga Pinoy sa New York, pinamo-monitor

New York City – Pinababantayang mabuti ng Palasyo ng Malacañang ang kalagayan ng mga Pilipino sa Estados Unidos partikular sa New York City.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng nangyaring terror attack sa New York City kung saan marami ang nasugatan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay inatasan na ng Department of Foreign Affairs ang Consulate General sa New York para makipag-ugnayan sa mga mga Filipino community sa lungsod.


Batay aniya sa kanilang nakuhang impormasyon ay walang Pilipino ang nadamay sa pag-atake ng terorista.

Patuloy naman aniyang binabantayan ng Consulate General ang sitwasyon sa lungsod lalo na ang kalagayan ng mga Pilipino doon.
Naki- isa naman ang Malacañang sa pagdarasal sa mga biktima ng pagatake.

Facebook Comments