Manila, Philippines – Matapos katigan ng Korte Suprema ang hatol ng mas mababang hukuman na hanggang isang taon at dalawang buwan na kulong, Umapela sa Supreme Court ang aktibistang tourist guide na si Carlos Celdran na maibasura ang desisyon ng hukuman.
Ayon kay Celdran unconstitutional ang Article 133 o offending religious feelings ng Revised Penal Code.
Natabunan na aniya ito ng bill of rights na nagbibigay diin sa pagpapahayag ng sinumang Pilipino ng kanyang saloobin.
Sa 33 pahinang motion for reconsideration, ipinaabot ni Celdran sa pamamagitan ng abogado nitong si Marlon Manuel na kumpiyansa silang idedeklarang hindi invalid ang Article 133.
Magugunitang inaresto at hinatulan si Celdran dahil sa pagsigaw nito sa loob ng Manila Cathedral habang may bitbit na placard.