PINABABASURA | Martial law extension, pinalagan

Manila, Philippines – Hiniling ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kongreso na ibasura at huwag aprubahan ang martial law extension sa Mindanao.

Inirekomenda na kasi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Duterte na palawigin pa ang batas militar sa Mindanao dahil hindi pa natatapos ang gulo sa rehiyon.

Giit ni Zarate, walang mabigat na dahilan para sa extension ng batas militar bagkus magiging ugat lamang ito ng lalo pang pagdami ng mga kaso ng human rights violations.


Nagbabala pa si Zarate sa posibilidad na ang extended martial law ay gamiting smokescreen para Marawi Rehabilitation Projects ay hindi na idaan sa public bidding.

Delikado umano ito dahil tiyak na mauuwi sa korapsyon ang bilyon-bilyong pisong ipapalabas para dapat sa pagbangon ng Marawi.

Facebook Comments