PINABABAWI | Inaprubahang bail petition ni dating Sen. Juan Ponce Enrile, pinababasura

Manila, Philippines – Pinababawi ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa Office of the Ombudsman ang tinatamasang kalayaan ni dating Senador Juan Ponce Enrile matapos payagang makapagpiyansa sa kasong plunder.

Sa kaniyang liham kay Ombudsman Samuel Martires, hiniling ni Mamba na gumawa ng hakbang ang Ombudsman para ihirit sa korte na kanselahin ang naging piyansa nito.

Ayon kay Mamba, ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ni Enrile para tumakbong senador ay patunay na maayos ang kaniyang kalusugan.


Giit naman ni Enrile, ipapaubaya na niya sa Ombudsman na umaksyon sa hiling ni Mamba.

Magugunitang sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sinabi ni Enrile na hindi siya mangangampanya at hindi siya magpupunta sa iba’t-ibang lugar.

Sa halip, gagamit na lang siya ng social media para makapangampanya.

Facebook Comments