Manila, Philippines – Umapela ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Court of Appeals na baliktarin ang nauna nitong desisyon na pumigil sa pagkuha ng deposition o out of court testimony kay Mary Jane Veloso, ang pilipinang nahatulan ng death penalty sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.
Ang deposition ay gagamitin sa kasong inihain ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga recruiter ni Veloso na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na kapwa nahaharap sa kasong large scale illegal recruitment.
Sa kanyang motion for reconsideration, iginiit ni Solicitor General Jose Calida na binalewala ng Court of Appeals Former Eleventh Division ang hindi pangkaraniwang sitwasyon ni Veloso.
Aniya, exempted si Veloso sa Rule 119 ng Rules of Criminal Procedure kung saan pinapayagan ang conditional examination sa mga testigo na maysakit o imposibleng makadalo ng pagdinig.
Iginiit pa ng OSG na dapat mapawalang bisa ang Writ of Preliminary Injunction na pumigil sa deposition dahil nilalabag nito ang Office of the Court Administrator Circular at ang jurisprudence o doktrinang inilatag ng Korte Suprema