PINABABAWI | Pagbawi sa kautusan na pagpapalabas ng mga dokumento sa anti-illegal drugs operations, inihirit

Manila, Philippines – Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na baligtarin ang nauna nitong direktiba sa OSG na magsumite ng mga dokumento kaugnay ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

Partikular ang mga dokumento na may kinalaman sa listahan ng mga taong napaslang sa lehitimong operasyon ng pulisya mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2017.

Gayundin ang listahan ng “deaths under investigation” sa loob ng nasabing panahon; listahan ng mga Chinese at Fil-Chinese drug lords na napatay at statistics ng internal cleansing sa PNP.


Iginiit ng OSG na ang dokumentong hinihingi ng Supreme Court ay naglalaman ng sensitibong impormasyon na may implikasyon sa pambansang seguridad.

Nababahala rin ang OSG dahil posibleng maging maghudyat ito ng pagdagsa ng mga petition for writ of Amparo na mauwi naman sa fishing expedition.

Facebook Comments