PINABAGSAKAN | Golan Heights sa Israel, pinaulanan ng mga rocket na galing umano sa Syria.

Israel – Mahigit dalawampung rocket o missile ang bumagsak sa Golan Heights sa Israel sa nakalipas na magdamag.

Ayon kay Lt. Col. Jonathan Conricus, tagapagsalita ng Israel Defense Forces o IDF, ang Iranian al-Quds Force sa Syria ang may pakana ng pambobomba sa Golan Heights na malapit sa border ng Israel at Syria.

Sa kabila ng daming rocket na bumagsak, minimal naman ang naging pinsala nito sa lugar. Wala rin naiulat na nasaktan o nasawi sa pag-atake.


Ilang araw nang nasa red alert ang IDF dahil na rin sa banta sa seguridad ng Golan Heights.

Nakahanda na rin ang mga bomb shelter para sa muling pag-atake ng mga kalaban ng Israel.

Buwelta naman ng Syrian military, ang Israel ang umaatake sa kanila. Patunay dito ang mga naintercept na mga missile mula sa Israel ng Syrian Air Defense na target ang ilang lugar sa Syria.

Facebook Comments