PINABAYAAN? | Oposisyon, tinutuligsa ang mistulang pagtataksil at pagpapabaya ni Pangulong Duterte sa WPS issue

Manila, Philippines – Kinondena na rin ni Albay Representative Edcel Lagman ang naging posisyon ni Pangulong Duterte sa paglalagay ng missile system ng China sa West Philippine Sea.

Giit ni Lagman, kawalan ng pagkamakabayan at nakapanlulumo na pinagkakatiwalaan ng Presidente ang pangako ng China na poprotektahan nito ang Pilipinas sa halip na maghain dito ng diplomatic protest.

Hindi lubos maisip ng kongresista kung bakit pinagkakatiwalaan ang isang bansa na siyang agresibo pa sa pang-aagaw ng ating teritoryo.


Binigyang diin pa ng mambabatas na hindi itinatanggi ng China ang report na naglagay na ito ng anti-ship at ground-to-air missiles sa tatlong reefs sa Spratly’s islands na sakop ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Lagman, tuluyan ng ibinasura ng Pangulo na ilaban ang desisyon ng permanent court arbitration sa the Hague Netherlands at kinunsinti na ang China sa kanilang iligal na pag-occupy at militarisasyon sa WPS.

Facebook Comments