PINABIBILIS | Pag-review ng polisiyang magbabawal sa mga transgender na pumasok sa military service, pinamamadali

Pinamamadali na ni US President Donald Trump sa US Supreme Court ang pagre-review sa batas na magbabawal sa mga transgender na pumasok sa military service.

Ibig sabihin, sa oras na maipatupad ang polisiya, hindi na maaaring magsilbi sa militar ang mga transgender, maliban na lamang kung ang gagamitin o ide-deklara nilang kasarian, ay ‘yung gamit nila simula kapanganakan.

Matatandaang taong 2017, nang inanunsyo ni Trump sa kaniyang twitter account na hindi na niya papayagan ang mga transgender American na magsilbi sa militar.


Simula noon, ay kaliwa’t kanan na ang mga pagkundena at pagkilos laban sa polisiya.

Lumalabas sa pag-aaral, na tinatayang nasa apat hanggang 10 libong ang aktibong miyembro at reserve service ng US military, ang transgender.

Facebook Comments