PINABIBILISAN | Land distribution at support services para sa mga magsasaka, pinamamadali na ng DAR

Manila, Philippines – Pinabibilisan na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang land distribution at support services para sa mga magsasaka.

Ito ay kasabay ng pagpapatupad ng phase 2 ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, sa ilalim ng Phase 2 ng CARP, palalawakin pa ng ahensya ang mga masasakop na private at public agricultural lands at ipamahagi ito sa mga magsasaka.


Dagdag pa ng kahilim, paiigtingin din ang pag-iisyu ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) at pabilisin ang implementasyon ng iba’t-ibang support services sa mga benepisyaryo.

Binigyan diin din ni Castriciones ang kahalagahan ng pagbuo ng Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBO) kung saan mayroong 5,451 nito sa buong bansa at nasa 4,923 ang operational.

Facebook Comments