PINABORAN | Alkalde ng Makati, hindi tutol sa isinusulong na Pederalismo sa bansa

Manila, Philippines – Pabor si Makati City Mayor Abby Binay sa isinusulong na Pederalismo sa bansa.

Pero sa kabila nito ay kailangan muna aniyang malaman kung anong klaseng Pederalismo ang ipatutupad sa Pilipinas.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, aminado si Binay na talagang maganda ang Pederalismo subalit giniit din nito na maraming problema na dapat munang solusyunan bago ito tuluyang maging kapakipakinabang.


Dagdag pa ni Binay bagamat sadyang maraming magandang pwedeng idulot ang Pederalismo sa bansa ay sadyang marami din dapat ayusin gaya ng Economic Reforms kung saan inihalimbawa nito ang pondo ng isa sa kanyang nga Barangay sa Makati kumpara sa pondo ng isang maliit na Munisipalidad sa Probinsya.

Kaya para sa alkalde naniniwala siyang malinis at maganda ang hangarin sa sinusulong na Pederalismo subalit dapat din matiyak hindi lang ang klase at porma nito kundi maging ang kaalaman ng publiko

Facebook Comments