PINABORAN | COMELEC, kinatigan si VP Robredo sa isyu ng shading threshold sa nakalipas na 2016 elections

Manila, Philippines – Dapat sundin ng Presidential Electoral Tribunal ang pamantayan na ginamit ng COMELEC sa shading ng boto noong 2016 elections.

Sa kanilang komento sa PET , iginiit ng COMELEC na ang hindi pagtalima sa standard na ginamit ay maglalagay lamang ng duda sa resulta ng nakalipas na eleksyon mula sa Presidente hanggang sa Sangguniang Bayan o konsehal

Ipinaliwanag ng COMELEC na totoong 50% threshold shading ang ginamit noong 2010 elections, gayunman ibinaba ito sa 25% nitong 2016


Layon anila nito na maiwasan ang mahabang pila sa pagboboto.

Facebook Comments