Manila, Philippines – Pinaboran ng ilang Senador ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Supreme Court Associate Justice Samuel Martires bilang bagong Ombudsman.
Nakakasiguro si Senate President Tito Sotto III, na maayos na magagampanan ni Martires ang bago nitong trabaho base sa magandang track record nito.
Marami namang magagandang bagay ang naririnig ni Senator Panfilo Lacson patungkol kay Martires lalo na sa naging serbisyo nito sa hudikatura.
Umaasa si Lacson na mamadaliin ni Martires ang paglalabas ng resolusyon sa mga kasong nakabinbin sa Ombudsman nang walang pinapaboran o kinakatakutan.
Pinuri naman ni Senator Francis Escudero si Pangulong Duterte sa pagpili kay Martires dahil ito aniya and the best para maging Ombudsman.
Ayon kay Escudero, ang integridad at prinsipyo ni Martires ay tugma sa kampanya ng gobyerno laban sa korapsyon.