Manila, Philippines – Ipinunto ng Korte Suprema na hindi dapat na maisailalim sa judicial review ang naging deliberasyon ng Kongreso kaugnay sa Martial Law Extension.
Naniniwala rin ang Supreme Court na may nagaganap pang rebelyon sa Mindanao at nanganganib ang kaligtasan ng mga residente doon.
Kasama sa mga naghain ng petisyon sina kontra Martial Law Extension sina Congressmen Edcel Lagman, Tomasito Villarin, Edgar Erice, Teddy Brawner Baguilat, Gary Alejano at Emmanuel Billiones.
Gayundin ang mga human rights advocate at mga militanteng kongresista na kinabibilangan nina Gabriela Representatives Emmie De Jesus at Arlene Brosas; Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao, ACT Teachers Representative Antonio Tinio, Bayan Muna Representative Carlos Zarate at Kabataan Partylist Representative Sarah Elago.