Manila, Philippines – Naglabas na ng commitment order ang Angeles City Regional Trial Court branch 56 para mailipat sa regular na kulungan sina Police Supt Rafael Dumlao III at 2 pang pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay kay Ssouth Korean businessman Jee Ick Joo
Kinatigan ni Judge Irin Zenaida Buan ang hiling ng DOJ na mai-turnover na sa kostudiya ng Bureau of Jail Management and Penology ang tatlong akusadong pulis.
Kasalukuyang nakapiit si supt. Dumlao sa PNP custodial center sa Camp Crame habang nasa NBI custodial center sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at Jerry Omlang.
Ipinag Utos ng hukom na mailipat ang tatlo sa Angeles City Jail dahil mas malapit ito sa korte kung saan dinidinig ang kanilang kasong 2 counts ng kidnapping at carnapping.
Magugunitang Oktubre dise-otso ng 2016 nang sapilitang kinuha ng mga police sa kanyang. Bahay sa Angeles city si Jee kaugnay ng anti-drugs operation at humingi ng 5 milyong pisong ransom ang mga suspek sa pamilya ni jee pagkatapos nila itong patayin sa loob ng camp crame.
Pahirapan din na mapatunayan ang pagpatay dahil sinunog ang labi nito at saka isinagawa ang pag-flash sa inidoro.
Kasama ring dinukot noon ang kanyang kasambahay pero pinakawalan din ito.