Mariing itinanggi ng tatlong survivor ng tinambangang grupo ng mga magsasaka sa Sagay, Negros Occidental na may dala silang baril nang mangyari ang insidente.
Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Western Visayas C/ Supt. John Bulalacao na may dala umanong mga baril at bala ang mga biktima ayon sa SOCO at base na rin sa salaysay ng mga witness
Pero pinabulaanan ito nina Bobstil Sumikad, Rogelio Arguillo at Rene Manlangit.
Anila – hindi rin totoo na front ng New People’s Army ang National Federation of Sugar Workers sa Negros.
Simula 2001, nahaharang umano ang paggagawad ng lupa sa mga benepisyaryo dahil sa deed of donation.
May sigalot kasi anila sa kung sino ang totoong nagmamay-ari ng lupa.
Aminado naman ang grupo na nagdesisyon silang okupahin ang lupa para mapilitan ang Department of Agrarian Reform na madaliin ang proseso ng distribusyon ng lupa sa mga benepisyaryo nito.