Manila, Philippines – Pinabubulaanan ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Colonel Edgard Arevalo ang pahayag ni Magdalo Representative Gary Alejano na may kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto na ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Arevalo hindi nya alam kung saan nakuha ni Alejano ang ganitong impormasyon.
Maari aniyang kuryenteng balita o fake news ang impormasyon ni Alejano.
Kaya naman paglilinaw ni Arevalo walang anumang kautusan mula sa kanilang commander in chief na itigil na maritime aerial patrol sa West Philippine Sea.
Tinitiyak aniya ng AFP na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkuling protektahan ang teritoryo ng bansa.
Batay sa pahayag ni Alejano simula buwan ng Enero ng taong 2016 hanggang ngayon ay hindi na raw nagpapatrolya sa Panatag Shoal ang Philippine Navy.