PINABULAANAN | Atty. Mangaoang, itinanggi na parte siya ng demolition job laban kay Customs Commissioner Isidro Lapeña

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni dating Bureau of Customs (BOC) X-ray Inspection Project Chief Ma. Lourdes Mangaoang na parte siya ng demolition job laban kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Ito ang binigyan diin ni Mangaoang sa ika-apat na pagdinig sa Kamara patungkol sa pagkakapuslit ng ilang bulto ng shabu papasok ng bansa.

Iginiit ni Mangaoang na hindi siya kabilang sa anumang sindikato na umano’y tumatrabaho laban kay Lapeña.


Sa katunayan pa aniya ay siya ang biktima sa pagkakataon na ito dahil sa napakabastos na alegasyon.

Nauna nang sinabi ni Lapeña sa isang pulong balitaan na may kumikilos na mga sindikato ng droga para sirain ang kanyang kredibilidad at ang BOC.

Samantala, binalaan naman ni Public Order and Safety at Antipolo Rep. Romeo Acop si Mangaoang na posibleng ma-contempt dahil sa dalawang ulit na pabalang na pagsagot at hindi magandang asal na ipinakita nito sa pagdinig.

Pinaalala naman ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers na huwag palabasin na utang na loob ng komite ang pagpapadalo sa kanya sa pagdinig dahil ito ay responsibilidad niya bilang public servant.

Hindi aniya kinukunsinti ng Kamara ang mga ganitong attitude ng mga resource persons.

Facebook Comments